“Soldier Powerful”

WOOHOO!!!!

*sudden silence*

*ARM RAISE*

YAEH

DASWATTAYM TALKING ABOUT!

(Okay, long nonsensical post ahead. Please bear with me.)

Astig yung laruan kanina sa Toy Kingdom SM Fairview: “Soldier Powerful”. :D
Tsaka astig din yung Ultraman collection na mga laruan dun (merong Tiga, Gaia, tsaka mga kalaban nila), 50% off! Solid. Meron ding Pokemon Ruby toys, Kamen Rider series (kaya lang walang Black), Ninja Tartols, malaking Gorilla, Dinosaur, “Soldier Powerful”, yun.

Masarap talagang maging bata ulit, ano? Maraming tao pag sinabing gusto nilang bumata, ibig sabihin nun gusto nilang i-reverse ang ageing process. Ganon kasi ang ideya nila ng pagiging bata, bata sa panlabas. Pero ako, gusto kong maging bata sa puso’t isipan, hindi sa panlabas na kaanyuan. Mas masarap ang pakiramdam ng ganun, kahit na hindi ka talaga bata sa mata ng iba. Isang buhay na puno ng mabababaw na kasiyahan. Walang gaanong pinoproblema. Walang kunsimisyon. Walang kahit ano pa. Puro saya. Masarap, hindi ba?

Kaya lang, pilitin mo man, mahirap talagang maging “purong” bata ulit, kahit ba sa isipan lang. Marami kasing bagay ang dumidikit sa katauhan ng isang tao habang tumatanda, gaya ng pag-aaral, pagta-trabaho, at kung ano-ano pang mga responsibilidad. Pilitin mo man, kahit isang linggo lang, mahihirapan ka na. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, maiisip mo pa rin na napakasarap talagang maging bata. Kahit paulit-ulit ko nang sinasabi ito, ayos lang. Masarap talaga e, wala akong magagawa.

Heh, astig…

Holdaper: Holdap ‘to!
Hinoldap: *nginig ng takot* ‘Wag po, sir. May pamilya po ako.
Holdaper: *pauses* … Ako rin naman e.

*ARM RAISE*

Mlerp. Mahaba dapat ito e, pero tinatamad na ako. ‘Di bale na lang.

PS: Kung hindi niyo alam kung ano yung “arm raise”, ‘di bale na lang din.


About this entry