Miss na kita.

Kay tagal din nating hindi nagkikita sa hapon. Nagtatampo ka ba sakin? Pasensya na kung lagi akong gabi na kung umuwi, kelangan e. Pero natuwa talaga ako nung lumabas ako kanina, at nandyan ka sa harap ko. Sinalubong mo pa talaga ako. Hindi ko akalaing magkikita pa tayo ulit. Ang sarap ng ganitong pakiramdam. Nung una, hindi ako makapaniwala. Ikaw nga ba talaga ang nasa harap ko? Ikaw nga ba talaga ang nakikita ko? Blooming ka ngayon, ang kinang-kinang mo, hindi ko maintindihan kung bakit. Ramdam na ramdam ko ang init ng iyong pagmamahal. Sana lagi na lang tayong ganito…

… o Araw.

(originally posted at Multiply)


About this entry